OK LANG.

Monday, April 21, 2008

Hindi ko ayaw, pero hindi ko na rin gusto.

Para sa mga taong mahirap gumawa ng desisyon. (Kasama ako dun. Malamang.)

Ayaw o gusto?

OK LANG.

Ang pinakamalabong sagot sa buong sansinukuban.

Buti pa ang OO -- sigurado, buong-buo. Isang buong pagsang-ayon. Walang katapusang komitment. Dalawang titik "O". Dalawang malaking bilog.

Maigi pa ang HINDI -- matapang, may sinasabi... masakit. Minsan din nama'y nagdudulot ng maganda, pero napakahirap sabihin. Limang letrang walang pag-aalinlangan. Listo. Totoo.

Kahit ang EWAN at HINDI ko alam ay minsa'y mas maganda. May pag-amin ng kahinaan, ng pagkukulang, ng posibilidad ng pag-iisip at pag-asa ng napakaliit.

Pero ang OK LANG, walang kombiksyon. Walang kasiguraduhan. Walang kwenta. Ang tinatakbuhan ng walang masabi. Gamit na gamit, walang buhay, abusado, kulang. Hindi buo, walang alam, magulo, malabo.

Ikaw, OK ka LANG ba?

Ako, OK LANG.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 11:45 AM

author.

Joelle. 19. Sober.




write.



recent entries

The Doppler Effect
grr.
Oh WOW.
what to do
it's over!
"it's not you, it's me."
blogging
Where has the Philippines gone?
bomb shelter
UP ICTUS HARANA EXPRESS :)

archives

June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010

friends.


stuff

www.flickr.com
joellei's photos More of joellei's photos




school supplies.

pencil and paper
coloring materials
envelopes
notebook
paintbrushes
clearbook