Konti nalangWednesday, March 24, 2010Last full week here in Katipunan. Of course, it gets me all sentimental and shit kasi imagine I've been here for five years now and wala lang. Tapos na bigla.Parang kailan lang first year ako (long hair pa ko haha) tapos kasama ko parati si Gia kasi bespren ko siya poreber tapos kami lang ni Mayee magkasama parati sa CS hanggang sa lahat na tapos tumatawid pa kami parati sa CP Garcia para makarating ng MJEC tapos hello G-11 tapos nabuo yung Futakada (hi Paolo, Red, Jen!) kasi nakakatamad pumasok ng CS12 kay big-boned-momma aka Ma'am Florence tapos hanggang sa umabot na ako sa CS32 tapos dun na nawasak buhay ko at naging delayed ng one year dahil sa isang CUTE na prof tapos may isa pang lecheng prof tapos umayos na ulit buhay ko tapos nag-aral ako, uminom, nag-yosi, nag-starbucks, nag-mcdo, nag-jabee, nag-sisig hooray!, nag-flaming wings, nag-bo's, nag-emo, nag-kfc (how could i forget wow steak and CHOCOLATE MOUSSE HI JEUNE), nag-box-o-rice, huhuhuhu. Katipunan, I'll miss you like crazy. I'll surely suffer from Katipunan withdrawal. Hahaha. Huhuhu. Huhu. Tapos nag-ICTUS ako at ang dami-dami kong na-meet na tao at natulungang mga bata. Natuto ako magbigay serbisyo nang buong-buo at bukal sa loob ko. Natutunan kong mag-enjoy nang sobra-sobra. Natutunan kong mainlab. Natutunan kong maging obhetibo sa mga bagay. Natutunan kong maging isang lider. Salamat sa mga taong naging bahagi ng buhay ko sa pamamagitan ng ICTUS. Nakakilala ako ng mga taong talagang kikilalanin ko hanggang sa mamatay ako (haha)-- kilala niyo na kayo e 'di na ko magnename ng names kasi baka may magselos... Joke. Sige na, mag-assume nalang kayo na kayo yun kasi assuming naman lahat ng true friends ko. :)) Tapos nag-CURSOR ako na ayaw namin ni Mayee dapat pero tumuloy nalang kami para cool. Nakilala ko ang naging pamilya ko sa CS. Yung mga taong gago pero lagi kong maaasahan kahit anong mangyari. Mga sira ulo kayo, kita-kits pa rin tayo mga ulul! Hahaha! Huhuhu! Nag-aral ako para sa huling exam ko sa huling sem ko sa UP kagabi. Nakakalungkot na nakakatuwa na sa wakas 'di na ko mag-aaral ulit para sa exam. Ang weird nung feeling na yun kagabi. Na parang ang saya ko na tapos na, pero nakaka-senti kasi 'di na uli mangyayari yung moment na yun. Yak. Haha. Kanina, natapos na yung huling exam na yun. Thesis nalang tsaka portfolio sa film. Puro submissions nalang. Iba pala ang feeling na wala ka nang exam sa school-- ever. Hindi lang for the sem e, forever na eh. Ang saya. Ang liberating nung pakiramdam-- [insert my favorite expression here ang makahula may prize] ggraduate na ko. Tapos na. Matatapos na. Konti nalang. permalink |
Post a Comment
| author.Joelle. 19. Sober.write.recent entriesClassichormones epic long week ahead Listen. dream house ah, weddings. Senior Citizens of steaks and insurance graduation blues archivesJune 2006July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 November 2009 December 2009 January 2010 February 2010 March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 July 2010 August 2010 September 2010 friends.stuff
school supplies.pencil and papercoloring materials envelopes notebook paintbrushes clearbook |