breakdownMonday, June 01, 2009nung weekend nagbreakdown ako.alam niyo yung feeling na kahit sobrang simpleng bagay lang, sobrang liit na disappointment lang, sobrang affected ka na? kasi ang daming ibang bagay na nakakaapekto sayo. ang dami mong iniisip, ang dami mong inaasahan, tapos wala lahat. 'di ko alam, 'di ko maexplain. baka nagdedepress-depressan na naman ako (haha parang joke lang eh no) basta pakiramdam mo lang na hindi ka na masaya. masaya ka paminsan. pero pag mag-isa ka na lang, nakakangiti ka pa ba? hindi naman sa i cry myself to sleep�drama wala namang ganun haha. pero minsan lang talaga mapapaisip ka eh. ok pa ba ako? hindi ko alam kung ano nangyari sakin. dati masaya ako, dati confident ako sa sarili ko, sobra. ngayon, ewan ko kung asan na ko. parang nauubos na ako. yung natitira nalang parang insecure na tao na walang kayang gawin o wala nang gustong gawin kasi pagod na. ang oa pero siguro burnout lang 'to. siguro ayoko pa lang magtrabaho talaga at ayoko naman talaga maging programmer tas nagcomsci pa ko tas nag-ojt pa ko sa software company (haha). tapos yung inaasahan mong reward every two weeks wala pa. pano ka naman mamomotivate, pano ka naman makakatawa pa kung pagod na pagod ka na kakaupo (haha) ng walong oras, kumain sa office, at matulog, at gumising para pumasok ulit tapos wala ka pa nakukuha in return? buti kung naeenjoy mo trabaho mo (oo minsan pag nanonood ng grey's anatomy at gossip girl at di ako stressed sa programming haha). pero ewan. pagod lang siguro talaga. kasi wala pang bakasyon buong summer. isang beses lang nagbeach panget pa (oy sorry ah madumi kasi talaga haha). nagbaguio nga, umulan naman. asan na ang summer ko? asan na ang pahinga ko mula sa 2nd sem? dati petiks lang ang summer ah. masaya pa rin. iba talaga pag trabaho. tas pagpasok, thesis naman ang bubunuin. HAY PAHINGA. HAY BAKASYON ASAN KA NA BAT MO KO INIWAN. hay buhay parang life nakakainis. (o kaya baka gutom lang to coupled with that time of the month)
permalink |
Post a Comment
| author.Joelle. 19. Sober.write.recent entriesnaiinis akoayoko na whattaday -- bawal magkasakit crs2.upd.edu.ph 17th day at work/ojt grabe gusto ko magbeach wala lang first day high 'wag mag-isip... archivesJune 2006July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 November 2009 December 2009 January 2010 February 2010 March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 July 2010 August 2010 September 2010 friends.stuff
school supplies.pencil and papercoloring materials envelopes notebook paintbrushes clearbook |