2 more days :)
Tuesday, June 30, 2009
sino gusto sumama sakin magadventure bukas sa makati? hahaha.
so kahapon, nagkaron ako ng mini adventure sa bahay kakafigure out ng gcash at bpi mobile banking. madali lang yung gcash kaso ang complicated pala ng bpi mobile banking (talagang buo eh no haha) as in talaga tapos kaninang umaga lang dumating yung mobile pin number (sige sabi nila within 24hours pero wow di ko naman inexpect na talagang 24hours haha) ayun pero at least nagamit ko na ang gcash at bpi mobile banking. yun lang andami palang mga charges charges. pangemergency nalang talaga yang mga yan. haha.
yun lang.
permalink |
random thoughts @
8:23 AM
3 days :)
Monday, June 29, 2009
nanood kami transformers nung weekend, tapos, bumili kaming sbarro para kainin tapos hindi na rin namin masyado nakain kasi buong movie nakanganga lang kami. HAHAHA.
yun lang.
permalink |
random thoughts @
8:35 AM
what the hell
Wednesday, June 24, 2009
swine flu sucks.
bakit ang inconsiderate ng mga taong naexpose dito? bakit hindi niyo iquarantine ang mga sarili niyo para wala nang mahawa? feeling niyo joke lang to? oo hindi malala ito -- para sa mga walang ibang sakit at para doon sa mga may kayang maagapan ito -- pero para sa mga taong may ibang komplikasyon tulad nung babaeng namatay nung isang linggo, at sa mga taong walang perang magpalabtest (balita ko mahal yun un ah at limited lang daw) ito ay maaaring makapatay.
please lang, mag-ingat naman tayong lahat, para din sa mga kapakanan natin to. maghugas ng kamay, wag dudura kung saan saan, bumahing at umubo sa tisyu -- common practice na dapat yan eh, parang basic hygiene lang. kaya sana naman wag tayo maging balahura para wala nang mahawa. at matigil na tong kalokohang to (kala ko ba di joke yung swine flu).
hehe. yun lang. eh kasi naman andami na palang under observation sa UP, 60 plus na daw. tapos may nababalitaan nalang akong dapat nakaquarantine pero tumakas. ano ba naman yan. taga-UP ka ba talaga?
permalink |
random thoughts @
6:45 PM
facebook
Thursday, June 18, 2009
may facebook na ko. amp. bwahahahahahaha =))
permalink |
random thoughts @
5:58 PM
SWINE FLU
Tuesday, June 16, 2009
OMG GRABE NAMAN NAPAPARANOID NA RIN AKO. HAHAHAHA.
permalink |
random thoughts @
7:14 PM
OMG FINALLY
Monday, June 08, 2009
tapos na OJT namin wow omg sa wakas we're FREE!!!!!!!! :D:D:D
Thanks Pau and Dan for a "great" summer! :) haha! :)
INUMAN NA!!!!!!!!!!!
permalink |
random thoughts @
1:23 PM
downward spiral
Friday, June 05, 2009
how do you break the cycle and climb back up?
permalink |
random thoughts @
9:55 AM
gusto ko
Tuesday, June 02, 2009
gusto ko magtravel. magbakasyon sa ibang bansa, magexplore ng kung anu anong magandang bagay.
gusto ko din magbeach hopping. kahit dito lang sa pilipinas. kahit minsan lang. kahit konti lang.
gusto ko magpunta sa mga malayong lugar (kahit di naman ganun ka-layo kahit malapit lang pero hindi up, makati, alabang, o las pinas, o paranaque haha)
gusto ko mag-adventure!
gusto ko magroadtrip.
gusto ko makasama mga kaibigan ko at lumabas at magbum at tumambay at magparty at magsaya.
gusto ko masurprise!
gusto ko mang-surprise.
gusto ko matuto ng ibang language.
gusto ko maging chef (o basta magluto sige na nga haha)
gusto ko magdinner na may candles under the moon!
gusto ko magwaldas ng pera (pero may matitira pa rin haha)
gusto ko maging masayang masayang masaya dahil sa simpleng bagay.
gusto ko magkaron ng sobrang gandang grades this sem.
gusto ko ng buhay na konti lang ang away.
gusto kong makuntento! di ko na gustong mainggit.
gusto kong kiligin!
gusto kong hindi na maburnout mula sa mga bagay na di ko masyadong gustong gawin.
gusto kong hindi mabore at hindi magblog twice a day (haha)
gusto ko magkaron ng kiddie party!
gusto ko ng cake (sarap red ribbon)
gusto ko ng touch phone.
gusto ko ng happiness. yun lang. :)
(shucks sobrang bored na kung anu ano na sinusulat ko. magbabalik itong listahan na to haha)
permalink |
random thoughts @
12:05 PM
ayaw na
ayoko na pumasok ng 8am para umupo, magstream ng grey's anatomy o kung anu man, magmultiply, mag-ym, kumain, at ulitin ang mga nasabing bagay ng walong oras araw-araw nang walang natatanggap na kapalit. gusto ko nalang matulog at magpahinga sa bahay. at least hindi ako gagastos ng pamasahe at panglunch araw-araw (magbabaon nalang ako forever).
i quit! i quit! i quit!!!
buti pa yung iba tapos na sa ojt bakit kami hindi pa NAMAN O grabe na to. buti nalang enrolment bukas at may something sa up sa thurs para naman makatakas na dito. hay.
(ahahahaha rant na naman sorry)
GUSTO KO NA UMUWING KATIPUNAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
miss na kita, katip. huhu.
---
tapos iniisip ko kung itutuloy ko pa yung french 10 ko. tth siya, 1-230 kay ralph mancenido. ang iba kong subjects ay cs 131, wf 10-1130, cs 196, th 8:30-10 (wth aga) at cs 198 sat 11-6pm. dapat bang ituloy ang french o icancel nalang para walang pasok ng sun to tues? pero french 10 ang unang kukunin kong subject para sa sarili ko para sumaya at hindi mabore sa lecheng summer na to. haha! (bitter talaga sa ojt grabe anu ba yan parang ang panget naman ng dating. haha. ok din naman dito guys. haha.)
permalink |
random thoughts @
7:29 AM
breakdown
Monday, June 01, 2009
nung weekend nagbreakdown ako.
alam niyo yung feeling na kahit sobrang simpleng bagay lang, sobrang liit na disappointment lang, sobrang affected ka na? kasi ang daming ibang bagay na nakakaapekto sayo. ang dami mong iniisip, ang dami mong inaasahan, tapos wala lahat. 'di ko alam, 'di ko maexplain. baka nagdedepress-depressan na naman ako (haha parang joke lang eh no) basta pakiramdam mo lang na hindi ka na masaya.
masaya ka paminsan. pero pag mag-isa ka na lang, nakakangiti ka pa ba?
hindi naman sa i cry myself to sleep�drama wala namang ganun haha. pero minsan lang talaga mapapaisip ka eh. ok pa ba ako? hindi ko alam kung ano nangyari sakin. dati masaya ako, dati confident ako sa sarili ko, sobra. ngayon, ewan ko kung asan na ko. parang nauubos na ako. yung natitira nalang parang insecure na tao na walang kayang gawin o wala nang gustong gawin kasi pagod na.
ang oa pero siguro burnout lang 'to. siguro ayoko pa lang magtrabaho talaga at ayoko naman talaga maging programmer tas nagcomsci pa ko tas nag-ojt pa ko sa software company (haha). tapos yung inaasahan mong reward every two weeks wala pa. pano ka naman mamomotivate, pano ka naman makakatawa pa kung pagod na pagod ka na kakaupo (haha) ng walong oras, kumain sa office, at matulog, at gumising para pumasok ulit tapos wala ka pa nakukuha in return? buti kung naeenjoy mo trabaho mo (oo minsan pag nanonood ng grey's anatomy at gossip girl at di ako stressed sa programming haha). pero ewan. pagod lang siguro talaga. kasi wala pang bakasyon buong summer. isang beses lang nagbeach panget pa (oy sorry ah madumi kasi talaga haha). nagbaguio nga, umulan naman. asan na ang summer ko? asan na ang pahinga ko mula sa 2nd sem? dati petiks lang ang summer ah. masaya pa rin. iba talaga pag trabaho. tas pagpasok, thesis naman ang bubunuin. HAY PAHINGA. HAY BAKASYON ASAN KA NA BAT MO KO INIWAN. hay buhay parang life nakakainis.
(o kaya baka gutom lang to coupled with that time of the month)
permalink |
random thoughts @
6:15 AM
|