'di ko alamWednesday, February 18, 2009yung dapat title ng post na to.hahaha. labo. anyway, nagtitingin ako ng multiply pictures kanina, lalo yung mga lumang pictures sa multiply ko. tapos naisip ko, wow, ang dami na pala nangyari sa buhay ko at tumatanda na ko. (wow, tinanggap na. quarter life crisis na naman) tapos naisip ko na hindi lang naman ako yung nagbabago, lahat naman tayo nagbabago, pati yung mga bagay na pumapalibot satin nagbabago. may mga bago, may mga nawawala. nakakalungkot man, pero may mga bagay talagang 'di na maibabalik-- mas nakakalungkot isipin na pati ang pagkakaibigan ay damay sa nasabing yan. it sucks, yeah, pero, wala tayong magagawa. ganun ang buhay eh. sometimes, people just grow apart-- lalo na pag hinayaan lang talaga at walang ginawa para subukang ayusin ang mga bagay. saklap. 'di ko lang talaga akalaing pati pala ang pagkakaibigan, isang bagay na pinaniniwalaan kong 'di nagbabago at naglalast forever (shet, idealistic), nasisira at nawawala at nakakalimutan. parang ang weird na isang araw sobrang close kayo tapos sa susunod, 'di mo na napansin o alam, parang estranghero na kayo sa isa't isa (wow lalim). wala lang. haha. pero hindi ako emo ok. hurting lang. HAHAHAHA. but things are getting better. on a lighter note, ang saya nung valentines day ko! wee. nakapost na ata yung pics sa multiply. ata. ang bagal eh. haha. anyway, nagpakabusog kami, nagbowling, nanlait ng mga tao, nanood ng sine (wow daming pera), at nakipagbonding sa family. hehehe. hihihi. hohoho. merry christmas. joke lang. ang labo na. hehe. tapos nanood kami ng family ko ng pink panther nung sunday tsaka ni-celebrate namin bday ni mami. wee! ang saya. sobrang funny nung movie. ang ingay ko ata tumawa sa movie. hahahaha. tapos kanina kumain kaming babba shawarma tapos naumay ako nakakainis hanggang ngayon binuburp ko pa yung shawarma KADIRI!!! tapos nagpainterview kami ni dan kanina sa BITS. ANG LAYO LAKARIN pero ok naman, nag-enjoy pa nga ako dun sa nangyari. although nawala ako pauwi kasi iniwan ako ni dan (hahaha joke lang dan) tsaka ang tagal tagal ni patrick. imagine nakarating ako sa guadalupe mrt station pero dapat sa buendia ako pupunta. at least nakasakay akong mrt. hehehe. tapos nagbabasa akong coraline kasi gift sakin ni pat tsaka gusto ko siya basahin. ang saya ko talaga! hahaha. um, yun lang. kayo, kamusta naman kayo? permalink |
Post a Comment
| author.Joelle. 19. Sober.write.recent entrieseh pano na yan?stages of depression lost HARANA EXPRESS! :) tama! TIME if i were a boy :") "love" christmas? archivesJune 2006July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 November 2009 December 2009 January 2010 February 2010 March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 July 2010 August 2010 September 2010 friends.stuff
school supplies.pencil and papercoloring materials envelopes notebook paintbrushes clearbook |