THANK YOU! :)

Wednesday, September 30, 2009

salamat sa lahat ng bumati at nagpasaya ng araw ko :)

lalong lalo na sa pamilya ko, lalo na sa kapatid ko na nagplano pa ng surprise sa akin kagabi nung 12am! grabe nasurprise ako dun, naiyak ako pero kunware hindi kasi big girls don't cry. joke! corny :))

anyway, ayun lang, salamat talaga :) best birthday ko to so far, kahit na may bagyo ulit haha, at least kahit papano nakapagcelebrate :) kulang lang talaga yung friends kasi syempre di ko sila nakita today kasi nasa south lang ako :( pero yun next week nalang tayo celebrate :) salamat kasi kahit di ko kayo nakita naramdaman ko naman yung pagmamahal nyo saken. HEHEHE cheesy :))

thanks talaga! :) it was a long and nice birthday :)

sakto 12am nandito sa bahay buong family ko pati mga pinsan ko para lang isurprise ako sobrang natouch ako kasi yung 9 year old pinsan ko sobrang antukin niya mga 9pm tulog na siya pero dahil birthday ko nagstay up talaga siya nagsustagen pa daw siya para magising (haha) tapos paggising ko sa umaga diretso na kami sa atc para i-meet si patrick tapos dapat magvolunteer sa red cross kaso andami nang volunteers so nagdonate nalang kami ng stuff sa kanila. tapos binigyan ako ng potted plant ni patrick kasi daw para maiba naman para magtagal naman daw yung plant hindi parang bouquet lang na madededs din maya-maya yung flowers (hehe) ang cute talaga ng boyfriend ko! :)) salamat at pinuntahan mo pa rin ako kahit naglilinis pa kayong bahay sa marikina. love you! :) tapos naglunch kami at nabusog nang sobra tapos may free brownie a la mode pa at kinantahan pa nila ko happy birthday tapos nag-ice cream kami tapos nag-ikot tapos pumuntang boni para magvolunteer sa GK (thanks yen for telling me about this :) ) and sobrang saya kasi natupad yung wish ko na makapagvolunteer sa birthday ko tapos kasama ko pa family ko so ang saya talaga :) tapos umuwi na kami tapos kumain sa kfc at naghintay ng 20mins para sa chicken at isa pang 20 mins para sa kanin kasi made to order na lahat kasi gabi na! pero ok lang masaya naman ako :)) tapos pag-uwi naubusan ako ng battery tapos pag-open ko nawala lahat ng messages ko sa phone (ang sad talaga nawala lahat ng birthday messages ko di ko man lang nalasap ng isang buong araw haha huhu) pati yung mga dati kong messages na hindi binubura. pero ok lang, masaya naman ako eh. i have a lot more to thank for kesa madepress dahil sa pagkawala ng mga message na tintreasure ko (haha bitter pa rin pala :)) )

anyway. ayun basta ang saya lang thanks talaga. :)

salamat salamat sa inyong lahat :) :*

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 9:48 PM

happy na

Tuesday, September 29, 2009

dahil walang mangyayari kung negative lang tayo nang negative...

bukas, kahit may exam tayong lahat, ok lang yun. isipin nalang natin para tapos na. kung bumagsak tayo (wag naman sana) wala tayong magagawa eh, pare-pareho lang naman ata tayong hindi nakapag-aral kasi nag-aalala tayo o yung iba sila mismo yung nahirapan nung weekend. sana nalang makapunta tayong lahat bukas, at magcelebrate tayo kasi safe tayong lahat. diba?

ipagdasal nalang din natin na magkaron ng konting puso si sir at maintindihan tayo. :)

bukas, magcecelebrate nalang ako kasama ng family ko sa first part ng day tapos sa latter part dun naman ako sa north magcecelebrate kasama ng friends ko (through an exam haha at least kasama ko kayo haha). yun nalang muna iisipin ko, at least i'd get to spend time with the people i love. sorry na kung selfish ang dating o ano, gusto ko lang maging masaya bukas. sana nga makita ko si patrick bukas eh. para mas masaya. hay. tsaka pilipino tayo, diba dinadaan lang natin parati sa smile yan? kahit may mga problema. di naman dahil nagkaganito tayong lahat bawal na tayong maging masaya diba. may right tayong maging masaya lahat at magcelebrate kasi safe yung mga taong mahal natin. oo alam ko marami rin naghihirap ngayon, kaya nga tutulungan din natin sila, di ba? para maging masaya na rin sila. :)

naku wala na atang sense sinasabi ko. basta sana happy tayong lahat bukas. yun nalang wish ko bukas, ayokong makakita ng mga malulungkot na tao kasi makakarecover naman tayo dito at magkakasama tayong lahat. kaya natin to.dasal lang tayo. hindi tayo papabayaan ni Lord :)

aral na tayo sa 131! pero magvolunteer or magdonate tayo ng mga bagay na pwedeng idonate.

ictus, let's help our apostolate kids and scholars recover sa mga nangyari, pati na rin yung mga kapwa natin ictusians na nawalan.

cursor, marami sa atin yung naapektuhan nung sabado, tulungan din sana natin sila, maraming-marami silang kelangan na tulong mula sa atin.

sa lahat lahat na, ganun din, sana yung nangyari nung weekend makapagpabago sa ating lahat kahit unti unti lang. pray lang tayong lahat. He will never let us down :)

nothing without faith, never without passion <><

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 10:52 AM

maiba lang ako

Monday, September 28, 2009

magbblog sana ako tungkol sa mga nararamdaman ko ngayon kaso masyadong mababaw compared sa nangyayari sa buong pilipinas so sana nalang ok lang lahat ng tao at macontact na ang hindi pa nacocontact.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 8:31 PM

hay :(

Sunday, September 27, 2009

grabe lang naman talaga yung nangyari kahapon. sobrang unexpected. sobrang nakakashock. nakakalungkot. nakakadepress. kawawa lahat ng tao. dati parang wala lang, di tayo masyado affected pag nakikita natin yung mga ibang lugar na binabaha-- pero ngayon na mga kaibigan at mga kapamilya na natin yung nandun sa sitwasyong yun, grabe, iba na talaga yung feeling. nakakatakot. di ka mapakali. di ka makatulog. grabe lang. grabe lang talaga.

sana bukas ok na. sana wag muna bumagyo ulit. sana makarecover muna tayong lahat. sana makatulong tayo sa mga nangangailangan. sana sana sana.

nung debut ko dati milenyo, ngayon naman, after 3 years, ondoy. (debut ko ulit, 21 eh. hehehuhu). isa ba akong malaking malas sa world. how sad. and depressing. tapos after 3 years 2012 na. tapos may movie na 2012. tapos yung i am legend 2012 pala ang setting. tapos sobrang nakakaparanoid. shucks. magbagong buhay na tayong lahat huhu.

sana mamulat na tayong lahat at maayos natin tong mga nangyayaring ito. masyado nang nakakalungkot :(

sana ma-contact na yung mga hindi pa nacocontact kasi nakakatakot na. :( sana talaga bukas medyo back to normal na. kahit medyo lang. unti-unti. dasal po tayong lahat ngayong gabi. sige na, hindi naman mahirap kausap si Lord.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 9:29 PM

HO-MAY-GAS

Wednesday, September 23, 2009

sa isang linggo 21 na ko ang tanda ko na huhuhuhu

napansin ko lang, dati parang parati ako nagbblog, considering na mas marami akong free time ngayon, bakit kaya hindi na ako masyadong nagbblog?

a. dahil sa facebook
b. dahil hindi na ko masyado mahilig magsulat
c. dahil sa facebook
d. dahil sa facebook

grabe parang facebook nalang ginagawa ko. haha ganun ba kong ka-bored. siguro kung walang facebook mas productive ako. siguro kung walang facebook nag-aaral ako sa 131 ngayon -- hindi, siguro kung walang INTERNET nag-aaral ako sa 131 ngayon. hindi lang pala facebook ang salarin, internet ang salarin kung bakit napakawalang kwentang tao ko na. hahaha! parang pag wala akong magawa, magiinternet ako para may magawa. tapos pag may kelangan na kong gawin, magiinternet pa rin ako para kunwari magbbreak ako sa ginagawa ko (a 10-minute break which eventually becomes a whole day). hehehe.

ang crammer ko kase. lagi ko sinasabi gagawin ko na lahat ng maaga para tapos na. pero lagi rin ako nagpprocrastinate tas yun pala bukas na kelangan yung kelangang gawin or aralin tapos magsisimula palang ako (parang yung MP sa 131... haha!)

tapos parati kasi winiwish ko na makalabas ako ng bahay tapos sinasavor ko tuwing lalabas ako with other people thinking na it's going to be my break time from my busy schedule pero in truth yun lang din naman ginagawa ko (going out) at ang totoong break na kelangan ko ay break from doing unproductive things like watching gossip girl and other tv series and blogging and facebooking, etc. at kelangan ko na magfocus dahil 3 weeks nalang tapos na ang first sem ko sa last year ko sa college at ggraduate NA ako next sem at di na ko pwedeng maging patapon na estudyante. papasok na ko dapat at magaaral na dapat. bawal na tamarin!!! huhu. masyado ko ata ineenjoy ang last year ko. hehe. ang tamad tamad ko na. SOBRA. mas tamad pa kesa dati! shucks.

tas ang gastos gastos ko pa grabe, sana may raket ako. haha. argh. eh dapat di muna ako mamili kasi malapit na ko magbirthday so dapat hintayin ko nalang may magregalo saken... (...) hahahahaha ang gastos ko talaga sana magkatrabaho na ko para magkapera pero ayoko pa magtrabaho kasi pag nagwork na wala nang petiks petiks. bawal na yun talaga. wala nang max absences na pwedeng sagarin (oo, prinsipyo ko yun. kaya tayo binigyan ng 6 absences para gamitin! haha! unless may bonus pag perfect attendance)...

ay tapos magpplug ako kasi may concert yung ictus sa december baka gusto niyo magsponsor (HAHA) kasi para naman yun sa mga kids, sa mga scholar. para matuloy nila pagaaral nila :D pati na rin yung food raffle namin next week. sana may mga mabubuting puso na magdonate o magsponsor ng mga bata. hehe. yun lang. nakakalungkot lang kasi kung kukulangin sila para makapag aral :( hay.

parang ang halo halo ng mga sinasabi ko. sign ito para mag-aral na sa 131. bye haha!

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 10:10 AM

hay

Tuesday, September 15, 2009

i just wish i'd stop being so insecure.

resolution for 21st birthday: be more confident about myself.

i suck. i'm such a loser. haha. not helping.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 7:35 PM

GRR

Friday, September 11, 2009

bwiset nakakainis nakakaasar nakakainis grr bwiset nakakainis nakakaasar nakakianis grr!!!

KAINIS talaga bakit ganun!

BAKIT GANUN?

BAKIT?!

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 9:53 AM

september

Thursday, September 03, 2009

dahil setyembre na at sa dulo ng buwang ito ay magiging beinte uno na ako, siguro nararapat lang na magkaroon ako ng mumunting listahan ng aking mga minimithing mga bagay:

1. magkaroon ng maraming pera (haha)
2. magkaroon ng sariling kotse
3. magkaroon ng matataas ng grado sa eskwelahan
4. magkaroon ng oras para makasama ang aking mga kaibigan
a. maibalik ang ilang mga kaibigang "nawala" noong nakaraang taon
i. makapag-ayos ng mga nasirang pagkakaibigan dulot ng mga bagay na mahirap intindihin pero masyadong simple para maging dahilan ng pag-aaway
5. magkaroon ng isang maliit na "kiddie party"
6. magkaroon ng isang "date" kasama si patrick
7. makalabas kasama ang pamilya sa lugar na di pa namin napupuntahan
8. magbakasyon
9. maging masaya (at hindi madaling humina ang loob)
10. maging mas mabuting tao
11. maging mas produktibong tao

yun lang muna. papahabain ko pa to.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 6:32 PM

author.

Joelle. 19. Sober.




write.



recent entries

Ack
spam
Six years
Changes
Changes
Argh
Basyang
What a messy night
FOR SALE: Nokia 5800 XpressMusic (touch phone stil...
Headache

archives

June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010

friends.


stuff

www.flickr.com
joellei's photos More of joellei's photos




school supplies.

pencil and paper
coloring materials
envelopes
notebook
paintbrushes
clearbook