wala lang

Thursday, April 16, 2009

ang sakit ng mata ko isang linggo na kong walang 8hours of sleep gabi-gabi (na dati nakaka-12hours pa ko amf). fufu.

CLARIFICATION LANG HA, kung nakita niyo yung 3++ pages ng puro blog posts ko sa multiply, nagkakamali kayo, hindi ko yun binlog in one day lang. at hindi ako EMO. :)) nagloko lang yung multiply.. napindot ko kasi yung cross post ULIT sa blogger so kinuha niya ulit lahat ng posts ko sa blogger since time immemorial. =)) =)) =)) sorry sa mga nahassle, at sa mga nag-akalang emo ako, mali kayo! hindi ako emo, medyo lang. HIHIHI. ;)

grabe lang, kanina tumalon kami sa elevator ni kee habang pababa yung elevator tapos hanggang ngayon hilo pa kami pareho. ang weird nung feeling. grabe. parang lumutang kami for 3 seconds. tapos nakakahiya pa ron, pag-open ng elevator doors hilo at tumatawa pa kami dahil sa ginawa namin tas may mga nagpasukang mga tao bigla. hihihi.

tapos baon day dapat ngayon kaso di ako nakabaon kasi late na ko nagising (how sad, hanggang 6pm ako today :( ) so nagtake out nalang ako sa hen lin ng goto at sobrang busog ako grabe nakakabusog!!! bukas sa iba naman kami kakain, sabi namin, by the end of ojt, mattry namin lahat ng kainan sa makati. sama kayo?:)

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 10:33 AM

first day high

Monday, April 13, 2009

first day sa ojt sa seer!

milestone for the day: nag-install ng YM at naglunch sa jollibee.

WEE!

(grabe BORED na BORED na BORED na kami dito)

hi dan! hi pau! hi clang! hi raiza!

yey.

at may take home pa kaming ....

hehehehe.

---

at what point do you give up? at what point do you tell yourself to stop and just let things be?

---

ang hirap minsan tanggapin ng mga bagay na... ewan. hindi ko madescribe. hay buhay. parang life.

---

sa sobrang boredom, ang dami kong napuntahang site: sporcle.com (nawasak utak ko), fmylife.com (tumawa ako), jamlegend.com (nafrustrate ako). hay. what a life.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 2:53 PM

'wag mag-isip...

Wednesday, April 08, 2009

nakamamatay.

sa tingin ko, 'pag sobrang dami mong iniisip, mabubuang ka talaga. tapos sa sobrang ingay na nung utak mo tapos hindi mo na siya mashutdown, hindi ka na makakatulog, tapos hindi ka na rin makakakain at makakagawa ng ibang bagay-- kaya magpapakamatay ka nalang para tapos na.

hehehe!

kaya 'wag masyado mag-isip ngayong holy week! in moderation lang. hehehe

(kasi nung retreat may prayer exercise kami tapos ang hirap talaga mag-isip at magfocus! sa tingin ko ganun nang ka-busy at kagulo ang buhay ngayon so we really need to take time para magslow down at magmuni-muni pero not about the worries of everyday life, instead pag-isipan natin yung buhay natin as a whole and siguro how you are with other people. i don't know, basta not the usual everyday stuff na pinapag-isipan mo. kasi pag ganun, mababaliw ka talaga. relax! ika nga... let go and let God :])

---

waw so kunwari deep daw ako pero wala namang sense.

---

gusto ko pumunta sa manila ocean park :( tara punta tayo. tas beach na rin tayo tas 'wag na tayo mag-ojt. hehehehehe.

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 5:30 PM

holy week

Sunday, April 05, 2009

bakit pag holy week maraming naghoholiday. maraming nagoout of town. maraming nagvavacation. hindi ko magets bakit nagbabakasyon ang mga tao kung kelan dapat nagmumuni-muni o nagdadasal tayo. yun lang.

holy week na so sabi ko magsasacrifice ako hindi ako manlalait ng tao ngayong holy week or at least i will try my best. hehehehe.

holy week na so magdasal tayo, magnilaynilay, magpakabait. yun lang.

(ang epal ng enrolment bakit ganon.)

---

nagzipline kami kanina kasi umuwi yung tito ko from the states so gusto daw niya magtagaytay so dinala namin siya sa tagaytay so ayun. pero ang lapit lang naman mga 10seconds lang ako sa ere tapos 200 yung bayad. hiwalay pa yung 100 para sa picture. hehe. (ang galing parang ang daming nagagawa sa tagaytay. last time nung march nagpapicture naman kami hawak yung tiger. ngayon naman zip line at cable car. ang galing. ang saya. ehehehe.)

dapat pala sabi ko wag lalabas pag holy week pero lumabas kami kanina. haha. sorry na. may balikbayan kasi. saglit lang naman kami don, half day lang. (haha defensive)

---

uy malapit na magsimula ojt! 'di pa ko ready. :))

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 5:37 PM

oh happy day

Thursday, April 02, 2009

tapos na yung sem ko! tapos na yung sem ko!!!

(actually may pinapagawa pa yung client sa 192 pero what the heck bakasyon na! ang saya talaga nung presentation na yun. hihihi.)

tapos nanood kaming monsters vs. aliens!!!!!!!!!!!!!!!!! ANG SAYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KUMUHA PA KAMI NUNG LIBRENG CAP AT BOOKMARKS NA PAMBATA LANG DAW PERO PINILIT NAMING KUMUHA!!!!!!!!! YAY!!!!!!!!!!! HOORAY!!!!!!!!!!!!!!!!!! at sa greenbelt kami nanood. panis! =))

(sobrang celebration talaga kahapon: wendy's tas sine, tas tambay sa greenbelt--uy gumigreenbelt na)

goals for ojt this summer: 1. makabili ng panyo sa greenbelt 5
2. makabili ng medyas sa greenbelt 5
3. makabili ng pouch sa greenbelt 5

actually goals na yan hanggang makapagtrabaho... sa makati... HAHAHA joke lang. nagpapakasosyal lang kami. :p

tapos nagpagupit pala ako kasi ang init at naiinis na ko sa hair ko. wee!

tapos tapos, today, 9months na kami ni pat! wee! ang saya. happy happy. i lab yu! :*


uy shocked bakit kaya. :))

permalink | Post a Comment
random thoughts @ 10:59 PM

author.

Joelle. 19. Sober.




write.



recent entries

Ack
spam
Six years
Changes
Changes
Argh
Basyang
What a messy night
FOR SALE: Nokia 5800 XpressMusic (touch phone stil...
Headache

archives

June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010

friends.


stuff

www.flickr.com
joellei's photos More of joellei's photos




school supplies.

pencil and paper
coloring materials
envelopes
notebook
paintbrushes
clearbook